Kalat na: Sugod Bahay ng Eat Bulaga bawal daw sa Pasig dahil sa anak ni Bossing
KUNG nasubaybayan n’yo ang aming blind item nitong Sabado, and you’re still gro-ping for the right answer ay heto ang sagot: Vico Sotto.
Vico is probably a laidback member of the famous Sotto clan, hindi kasi siya showbiz but was born to famous parents Vic Sotto and Coney Reyes. Mas ninais kasi ni Vico to tread the political path, isa siya sa mga epektibong konsehal sa Pasig City.
Although meron na siyang bentahe agad, Vico doesn’t depend much on his parents’ popularity. Kahihiyan nga naman ang iaakyat niya sa pamilya—at buong angkan—if he wouldn’t do well.
Nitong October COC fi-ling ay sa puwestong pagka-mayor ang tatakbuhan ni Vico, a quantum leap from the post he presently holds. Babanggain niya si Mayor Roberto “Bobby” Eusebio mula sa pamilyang matagal ding panahong namamayagpag in the eastern part of Metro Manila.
Meanwhile, kilala ang Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga which hops from one locale to a-nother in and outside Metro Manila. Ang bale tumitimon ng nasabing remote segment ay ang JoWaPao trio with Maine Mendoza as its added attraction.
Nagalugad na yata ng JFA, AFJ ang buong Kalakhang Maynila maliban sa Pasig. We wouldn’t know if in the past ay nakatuntong na roon ang Dabarkads, but gi-ven the coming election fever the city is a no-no territory where Eat Bulaga can set foot.
Wala man kasing partisipasyon si Vico sa longest-running noontime ng bansa, naroon naman si Bossing Vic.
Subliminally, Vic’s presence is a constant reminder na siya ang tatay ng makaka-laban ni Mayor Eusebio.
We know nothing much about the mayor. But common sense will dictate na bakit nga naman hahayaan ng kanyang mga solid supporters na bigyan even the slightest chance ang kampo ni Vico, samantalang hindi pa naman officially nagki-kick off ang campaign period sa lokal?
So there.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.