Revilla pinagbigyan na makapaghanda sa pagbaba ng desisyon sa kasong plunder
PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan First Division ang hiling ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na kanselahin ang pagdinig ng kanyang kasong graft sa Disyembre 6 upang mapaghandaan ang pagbasa ng desisyon sa kasong plunder nito sa Disyembre 7.
Itinakda ang susunod na pagdinig ng graft cases sa Enero 10, 2019.
Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel fund scam na kinasasagkutan din ni Janet Lim Napoles.
Siya ay inakusahan na tumanggap ng P224.5 milyong komisyon mula sa mga non-government organization ni Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.