Sigaw ng sikat na aktres: ‘kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang…yosi’
PINAGKUKUWENTUHAN ng kanyang mga kasamahang artista ang isang pamosong female personality na mas masahol pa sa sabungero ang peg kung makapagpausok.
Tanggalin mo na sa kanya ang lahat, huwag lang ang pagyoyosi, dahil ‘yun ang pinaniniwalaan niyang nakapagtatanggal ng kanyang stress at pagod sa maghapon.
Kuwento ng isang source, “Kapag may show siya o kaya, e, shooting abroad, ang unang-una niyang inilalagay sa maleta niya, e, ream-ream na yosi brand niya.
“Baka nga maiwanan niya ang mga alahas niya, pero hinding-hindi ang kanyang yosi, nagbabaon talaga siya ng brand niya para magamit sa kabuuan ng work niya sa ibang bansa.
“Bagets pa siya, e, nagyoyosi na ang girl, patagu-tago nga lang siya nu’n dahil pinagbawalan na siya ng mga nag-aalaga ng career niya sa isang network. Pero gumagawa talaga siya ng paraan na makapagyosi kahit pa mahigpit na ang pagbabantay sa kanya.
“Nakaka-relax daw kasi siya kapag nakapagyoyosi siya, nawawala ang stress niya, hindi nagiging mainitin ang ulo niya. Nakasanayan na niya ‘yun talaga kahit bagets pa siya,” simulang chika ng aming impormante.
Kapag nasa matataong lugar siya ay alam na ng kanyang driver at alalay ang gagawin. Pupunta muna siya sa kanyang car at du’n magpapausok.
“Pero hindi naman siya ‘yung sugapang-sugapa sa pagyoyosi na ginigiyang kapag hindi siya nakakahitit.
Para-paraan lang. Tumatagal din naman siya kapag talagang wala nang paraan.
“Totoong bad sa health niya ang yosi, alam niya naman ‘yun, pero in fairness, never siyang nagbisyo ng droga! Disiplinado ang ate n’yo, ilang beses na siyang na-depress dahil sa lovelife niya, pero never siyang humiram ng tapang sa droga!
“Yosi lang talaga ang bisyo niya, saka pag-inom paminsan-minsan, hanggang du’n lang ang kinasanayan niya. Hate na hate niya ang drugs, ayaw niya rin sa mga lalaking nagdodroga.
“Sosyal siyang magpausok, sosing-sosi ang dating niya, pati ang pagbuga niya ng usok, yayamanin ang dating. Alam niya kasi na makapangdadamay siya ng ibang tao kapag buga lang siya nang buga, mapanganib ‘yun!
“Take note, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mapanganib ang ganu’n! Getlak n’yo na kung sino siya?” pagtatapos ng chikadora naming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.