MAGANDANG Araw po.
Philhealth member po ako. Nag-start akong mag-contribute noong June 2012. Naputol lang noong December 2012 dahil nawalan po ako trabaho. Ni-renew ko naman siya as self-employed at hinulugan ko mula July to September 2013.
Mula noon ay ay hindi ko na nahulugan. Lasy year ay nakasama po ako bilang indigent sa Philhealth ng nanay ko sa programa po nang DOH.
March last year ay na-employ ako sa private sector at hanggang sa kasalukuyan po at hinuhulugan po ng company ‘yung Philhealth ko pero at the same time ay existing pa rin po ‘yung indigent Philhealth ko na valid hanggang ngayong taon. Last July nang natanggap ko po ‘yung indigent ID ko.
Pero nang i-check ko po sa online contribution records ko ay ang nakarekord po ay ‘yung hinuhulog ng
company ko pero ang category po is indigent.
Paano po ‘yung inihuhulog ng DoH as indigent mula 2017-2018? Saan po ‘yun napupunta kung hindi naman nakarekord sa monthly contribution ko? Pwede ko po ba ma-claim ‘yun?
Pwede ko po ba mapa-stop ‘yung hinuhulog ng company at ma-claim yung dobleng hulog.
Sana po matuloungan n’yo ako at masagot ang aking katanungan.
Maraming salamat po.
Janelyn
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na batay po sa PhilHealth Implementing Rules and Regulations of Republic Act 7875 As Amended Otherwise Known As the National Health Insurance Act, mandatory po ang paghuhulog ng contribution ng bawat members. Kung kayo po ay indigent member at naging employed, mandatory po na kayo ay magkaroon ng PhilHealth deduction at tungkulin po ito ng inyong employer, kasama na ang pagre-remit nito sa tanggapan ng PhilHealth.
Samantala, ang kontribusyon po ng indigent members ay makikita sa coverage period na nakatala sa inyong rekord at hindi po ipino-post ng buwanan o scattered basis sapagkat ang kontribusyon po ng mga indigent members ay binibigyang subsidiya ng DOH o ng inyong LGU. Sa oras naman po na matapos ang inyong coverage period at kayo po ay nananatiling employed ay kailangan pong ipagbigay-alam ito sa DSWD sa inyong barangay o munisiyo upang hindi na po kayo mapasama sa mga mare-renew at maibigay po ang slot sa mas nangangailangan.
Nais po naming ipaalala na hindi po maaaring ibalik ang mga kontribusyon ng indigent members at hindi po maaaring ihinto ang kontribusyon kung kayo po ay employed sapagkat ito po ay mandatory.
Para sa mga karagdagang katanungan, mag email lamang po sa amin o tumawag sa hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maraming salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealthnol
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
philhealth.gov.ph
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.