Sigaw ng MaiLiver fans kina Mikee at Enrico: Totohanin na yan! | Bandera

Sigaw ng MaiLiver fans kina Mikee at Enrico: Totohanin na yan!

Ervin Santiago |November 19,2018
facebook
share this

Sigaw ng MaiLiver fans kina Mikee at Enrico: Totohanin na yan!

Ervin Santiago - November 19, 2018 - 12:05 AM

PATULOY na pinakikilig ng magka-loveteam na sina Mikee Quitos at Enrico Cuenca ang mga manonood gabi-gabi sa GMA Telebabad series na Onanay.

Sa episode last Friday ng Onanay, muling naging trending topic ang serye dahil nagkabalikan na sina Maila (Mikee) at Oliver (Enrico) at binigyan na rin sila ng blessing ni Onay (Jo Berry).

Bumaha ng magagandang komento at pakilig na mensahe sa Twitter dahil sa makulay na love story nina Oliver at Maila. Narito ang ilang tweets ng mga fans nina Mikee at Enrico.

Sey ni @mquintosstan, “OMG OHMGJ JSJSHAH OXYGEN PLS!!!!”

Chika naman ni @KCandyMMaila, “Waaahhhhh! Enebe MaiLiver. Kinilig keme. Oxygen Please. Yung ngiti mo talaga nakakadala @mikeequintos eh.”

Twwet naman ni @MQSweeties_CDO, “Officially Yours… hahaha! Homaaayghaaad! Cancel lahat ng Appointment ko this day! Hahaha#OnanayOfficially.”

“PUMAYAG NA! OMG MAILIVER FOR THE WIN!” komento naman ni @alphapadillaz.

Ito naman ang hugot ni @MQSweetiesSurig, “Woahh! si @mikeequintos oh ang laki ng ngiti….kinikilig yan!! ayeeiiii….hahahaha peace! Mahihimatay na rin kami sa sobrang kilig! jusko MaiLiver forever! Pasintabi mga bitter dyan! Hahahaha!

Comment naman ni @BautistaKylie16, “Halah!!! #OnanayOfficially. Ang lakas maka OMG sila na ulit.”

“Yung mga titigan na may kasamang kilig Parang totoo na!!! Ehhhhemmm! Totohanin na yan! For the win!” sey naman ng isa pang MaiLiver fan.

Samantala, bukod sa mga pakilig ng tambalang MaiLiver, kaialangan ding abangan ang mga pasabog na eksena nina Jo Berry at Vaness del Moral sa Onanay.

Tutukan kung paano la-labanan ni Onay ang mga pananabotahe ni Imelda (Vaness) dahil sa pagseselos nito. May mga natuklasan kasi si Imelda tungkol kina Onay at sa asawa nitong si Lucas.

Bukod diyan, kaabang-abang din ang mga susunod na eksena nina Maila at Natalie (Kate Valdez) ngayong alam na ng huli na nagkabalikan na sina Maila at Oliver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa isang panayam naman kay Enrico, naikuwento niya kung paano siya manligaw ng babaeng nagugustuhan niya, “I don’t want to be too forward or too pushy.”

“But I guess if I really like someone, I will ask a lot of questions to know that person. Kung saan siya galing, ano ginagawa niya sa spare time, kumusta ‘yung family life,” sabi pa ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending