7 Yolanda survivors bidang-bida sa music video ng ALKFI | Bandera

7 Yolanda survivors bidang-bida sa music video ng ALKFI

- November 19, 2018 - 12:30 AM

LIMANG taon makalipas manalanta ang bagyong Yolanda sa bansa, pito sa mga nakaligtas dito ang nagkwento kung paano nila tinulungang bumangon ang kani-kanilang komunidad sa pamamagitan ng isang music video na inilabas ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI).

Sa Facebook ipinost ng ALKFI ang music video, tampok ang awiting “Pagkat Nariyan Ka” ng Star Music artist na si Sam Mangubat, noong Nob. 8, ang anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Dito nagkwento ang mga survivor na naging bahagi ng iba’t ibang programang nakatulong upang makabangon ang kanilang mga kababayan mula sa trahedya.

Si Imelda Padrigano ng Eastern Samar, nagtayo ng bakery para mabigyan ng trabaho ang mga kababayan niya, samantalang ang 70 taong gulang na si Fidelina Villagracia ng Sta. Rita, Samar ay patuloy sa pagsisilbing tour guide sa kanilang lugar.

Si Rotchie Castil ng Sabang, Daguitan naman, pinag-aralan ang social media para mapasikat ang kanilang bayan, at si Imelda Eusebio ng Dagami, Leyte ay tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa kanilang komunidad.

Ang midwife na si Fe Bantique ng Jiabong, Samar, tatlong oras naglalakad papunta at pauwi ng trabaho bago nakapagpagawa ng mga health center sa malalayong barangay. Si Susan Austero naman ay isa sa mga nagbenepisyo sa educational programs. Samantalang si Susan Cadaro naman ay isang evacuee na nag-volunteer para maglingkod sa kapwa evacuee.

Nilahad ng pitong Yolanda survivors ang kanilang mga kwentong may dalang pag-asa at inspirasyon sa video, kung saan ipinakita rin ang mga nagawa ng ALKFI sa pamamagitan ng Operation Sagip (dating Sagip Kapamilya) upang tulungan ang mga nasalanta ng Yolanda.

Ayon sa ALKFI, aabot sa 3.6 milyong survivor ang nabigyan ng agarang relief assistance; 425 katao ang nag-benepisyo sa mga ipinagawang water facility sa Dagami, Leyte at; 9,994 na mga pamilya ang nakinabang sa building Barangay Health Units at health facilities sa Jiabong at Hinabangan sa Samar, at Jaro at San Miguel sa Leyte.

Mahigit 45,000 naman ang nabigyan ng pagkakakitaan sa tulong ng livelihood programs ng Bantay Kalikasan ng ALKFI na namigay ng mga bangka, nagpondo para sa mga taga-habi sa Basey, Samar, at nagpalago sa mga ecotourism site tulad ng San Jose Skimboarding Camp, Sohoton Cave sa Basey Samar, Tangke Lagoon at Bancal Fish Sanctuary sa Carles Iloilo.

Apat pang proyekto ang ilulunsad ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya na magbebenepisyo sa mahigit 24,000 na tao. Ito ang mga multi-purpose na gusaling kakayanin ang bagyo at kalamidad na itatayo sa Ormoc; Tacloban, Leyte; Guiuan, Eastern Samar; at Concepcion, Iloilo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lahat ng ito ay pinondohan ng mahigit P1 bilyong donasyong nakalap mula sa iba’t ibang kompanya, organisasyon, at indibidwal pagkahupa ng bagyong Yolanda. Narito ang link sa music video: https://youtu.be/Dnhq9xXPb8Y.

“Nabago ng mga donasyong nakalap ng Operation Sagip ang maraming buhay at komunidad sa iba’t ibang paraan,” saad ng Operation Sagip Program director na si Jun Dungo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending