Hugot ni prof: ‘Mas tahimik ang buhay ni Alden kung malayo kay Maine’
Naghihintay ang mga tagasuporta ng AlDub Nation kung ano ang magiging reaksiyon ng Pambansang Bae tungkol sa pagiging close ngayon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Gustung-gusto nilang mag-react si Alden Richards, sabik na silang malaman kung nasasaktan ba ang guwapong aktor sa kuwentong parang sina Arjo at Maine na ngayon, pero mukhang maiinip lang sa kahihintay ang mga tagasuporta nina Alden at Maine.
Wala naman kasing gustong sabihin si Alden, parang okey na okey lang sa kanya na nagkakamabutihan na ngayon sina Arjo at Maine, hindi naman siya naaapektuhan.
Sabi ni prop, ang aming kaibigang tagasubaybay sa kuwento tungkol kina Maine at Arjo, “Ano ang hinihintay ng mga fans, na maghabol si Alden, na magpakita siya ng signs na sobrang nagseselos siya sa mga kuwento about Maine and Arjo?
“Naku, for all we know, e, maligaya nga si Alden na hindi na ikinakabit ang name niya kay Maine, mas masaya nga siguro ngayon si Alden na nabubura na ang pagli-link sa kanya kay girl, dahil meron na nga siyang Arjo kuning-kuning!
“Mas malayo siya kay Maine, e, mas malayo rin siya sa mga intriga. Alam naman natin kung gaano ka-possessive ang mga fans nila!
“Mas maganda na ang ganyan, mas tahimik ang buhay ni Alden, tapos!” paismid na reaksiyon ni propesor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.