Du30 hindi na tatapusin ang APEC sa Papua New Guinea | Bandera

Du30 hindi na tatapusin ang APEC sa Papua New Guinea

- November 16, 2018 - 08:47 PM

INIHAYAG ng Palasyo na mapapaaga ang pag-uwi ni Pangulong Duterte sa bansa matapos namang magdesisyon hindi na tapusin ang dinadaluhang Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa Papua New Guinea.

Kinumpirma ni Communications Undersecretary Mia Reyes na hindi na dadalo si Duterte sa ikalawang araw ng APEC na nakatakda sa Linggo.

“Please be informed that PRRD(Duterte will leave PNG (Papua New Guinea) on November 17 at 11:15 pm, and (sic) arrive in Davao City on November 18 at 3:15 am,” sabi ni Reyes.

Wala namang ibinigay na dahilan ang Malacanang.

Idinagdag ni Reyes na hindi na rin magbibigay ng arrival statement si Duterte pagdating ng Linggo sa Davao City.

Base sa naunang iskedyul na inilabas ng Malacanang, kabilang sa mga hindi dadaluhan ni Duterte sa APEC sa Linggo ay ang Leaders Arrival, Leaders’ Official Family Photo, IMF Informal Dialogue with Leaders, Leaders Retreat 1 at Leaders’ Working Lunch.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending