2 patay sa pag-inom ng lambanog sa Tarlac | Bandera

2 patay sa pag-inom ng lambanog sa Tarlac

|November 16,2018
facebook
share this

2 patay sa pag-inom ng lambanog sa Tarlac

- November 16, 2018 - 06:35 PM

DALAWA ang nasawi habang ginagamot sa isang ospital matapos na uminom ng lambanog, na posibleng hinaluan ng lason, ayon sa pulisya.

Sinabi ng mga otoridad na uminom sina Edelito Sicat, 44, at Edgardo Sicat, 69, ng lambanog kasama ang anim pang mga kamag-anak at kaibigan, ganap na alas-11:30 ng umaga noong Nobyembre 14 sa Barangay Aranguren, at kinabukasan ay nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo at pagkahilo, kasama sina Zoren Sicat, 27, at Jasper Sicat, 18,

Dinala ang apat na biktima sa iba’t ibang ospital sa Tarlac.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung hinaluan ng lason ang lambanog.

Sinabi ng pulisya na galing ang lamanog kay Randy Tiamzon, 42, na kanyang binili mula sa bayan ng Magalang, Pampanga noong Nobyembre 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending