Confirmed: Maymay rarampa sa Arab Fashion week sa Dubai | Bandera

Confirmed: Maymay rarampa sa Arab Fashion week sa Dubai

|November 16,2018
facebook
share this

Confirmed: Maymay rarampa sa Arab Fashion week sa Dubai

- November 16, 2018 - 04:54 PM

MAYMAY ENTRATA

CONFIRMED! Ibinandera ng designer na si Furne One Amato na opisyal nang magiging bahagi si Maymay Entrata ng Arab Fashion Week, na sinasabing “one of the world’s highest-profile designers showcase.”

Isa ang Kapamilya youngstar sa mga modelong rarampa para sa kanyang fashion line sa inaabangang Arab Fashion Week. Si Maymay ang kauna-unahang Filipina celebrity na makakarampa sa nasabing fashion event.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Maymay ang letter mula sa Amato Couture at ang kanyang poster kung saan nakasulat ang pagiging bahagi niya ng pagkakapili sa kanya Arab Fashion Week.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Di ko talaga alam kung panu ko ma express ang [nararamdaman] ko pero, dito ako sigurado ang pasalamatan po kayo AMATO COUTURE Family! Binigyan niyo ng panibagong kulay ang buhay ko. Maraming salamat po!”

“Isang malaking karangalan po wala nako masabi kundi maraming maraming salamat po.”

Si Furne One, na nagse-celebrate ng kanyang 25th anniversary ngayong taon, ang magbubukas ng nasabing fashion event sa Dubai ngayong Nov. 20 .

Sabi pa ng ilang netizens, ito na ang magiging hudyat para sa international career ni Maymay na posible ring maging daan para sa pagasli niya sa Asia’s Next Top Model.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending