Kilalang aktor 'umatake' uli sa resto, mga waiter nganga | Bandera

Kilalang aktor ‘umatake’ uli sa resto, mga waiter nganga

Cristy Fermin |November 16,2018
facebook
share this

Kilalang aktor ‘umatake’ uli sa resto, mga waiter nganga

Cristy Fermin - November 16, 2018 - 12:15 AM

USAP-USAPAN ng mga table engineers (read: waiter) ng isang kilalang restaurant ang husay sa paghawak sa pera ng isang hindi na kabataang male personality.

Akala raw kasi ng tropa ay kuwento-kuwento lang ang mga nababasa nilang balita tungkol sa pagiging kuripot ng aktor, pero totoo raw pala, at hindi siya basta kuring lang.

Kuwento ng chikadora naming source, “May mga ka-meeting siya that time, lima sila, meron silang mahalagang pinag-uusapan tungkol sa isang business.

“Ang male personality ang nang-imbita, siya kasi ang umo-order ng mga food. Kung sino nga naman ang nang-imbita, siya ang magbabayad ng bill.

“Maagang dumating sa venue si male personality, tiningnan na niya agad ang menu ng resto, isa-isa talaga niyang binusisi ang presyo ng mga pagkain. Alam na!” umpisang chika ng aming impormante.

Dumating na ang mga imbitadong ka-meeting ng male personality, kamayan muna sila at balitaan, hanggang sa tumawag na ng waiter ang aktor.

“Tinanong pa kunwari niya ang mga ka-meeting niya, ‘Ano ang order n’yo? Ako na lang ba ang oorder ng food natin?’ Natural, ‘yung ang gusto niya, may kamahalan kasi sa resto.

“So, kunwari naman, e, hindi na siya namili ng mga pinakamurang food, kunwari, e, ‘yun ang gusto niya, walang nahalata ang mga bisita niya.

“Pero kung may isa lang sa kanila na tumingin sa menu, e, malalaman niya na ang inorder na food ng nang-invite sa kanila, e, ‘yung talagang bagsak ang mga presyo!

“Totoo, kuripot pala talaga ang male personality na ‘yun! Ang galing-galing niyang humawak ng datung! Walang napansin ang mga kamiting niya hanggang nu’ng huli na ang kinain nila, e, ang mga pinakamurang food sa resto.

“Nakakaloka siya, madalas na naming marinig ang mga kuwento tungkol sa kakuriputan niya, pero hindi kami naniniwala. Card ang ipinambayad niya, ang kulit pa nga niya, itinatanong niyang isa-isa ang mga nakalagay sa receipt.

“At heto na. Nu’ng umalis na sila, tiningnan ng mga waiter ang bill holder, malinis! Walang kahit anong nandu’n! Hindi man lang siya nag-iwan ng tip!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala talaga, kahit little amount lang, e, wala. Kahit little lang, ha? Talaga palang mahusay humawak ng datung ang male personality na kabaligtaran ng kapatid niyang artista rin na maluwag naman sa datung!” huling chika ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang male personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending