JM, Rhian nagpakilig, nagpaiyak at nagpainit sa 'Kung Paano Siya Nawala'; game sa usapang sex | Bandera

JM, Rhian nagpakilig, nagpaiyak at nagpainit sa ‘Kung Paano Siya Nawala’; game sa usapang sex

Ervin Santiago |November 16,2018
facebook
share this

JM, Rhian nagpakilig, nagpaiyak at nagpainit sa ‘Kung Paano Siya Nawala’; game sa usapang sex

Ervin Santiago - November 16, 2018 - 12:01 AM


TOTOONG-TOTOO. Walang kiyeme at walang arte ang kuwento ng pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” nina Rhian Ramos at JM de Guzman mula sa TBA Studios.

Isa itong usual love story ng dalawang taong na-fall sa isa’t isa na dumaan sa mga pagsubok dahil sa kanilang mga hugot sa buhay. May kakaibang twist ang kuwento ng pelikula na siguradong pag-uusapan ng mga manonood.

Kuwento ito ni Lio (JM) na may sakit na face blindness, hindi siya nakakatanda ng mukha kahit ng mga taong palagi niyang nakikita – kabilang na si Shana (Rhian), ang babaeng nakilala niya sa coffee shop na pumayag makipag-sex sa kanya kahit bago pa lang silang magkakilala.

Paano nga ba maipaparamdam ni Lio ang pagmamahal niya sa babaeng hindi niya matandaan ang mukha? At hanggang kailan kayang magtiyaga ni Shana para sa isang lalaking bukod sa may mental disorder na ay may pinaglalaban ding trauma mula sa kanyang pagkabata?

In fairness, na-enjoy namin ang kakaibang kuwento ng “Kung Paano Siya Nawala”, at in-expect na rin namin ang makatotohanang akting nina Rhian at JM – mula sa una nilang pagkikita, patungo sa kanilang nakakalokang sex escapades, hanggang sa ending nito na siguradong pag-uusapan ng mga Pinoy moviegoers.

Maganda ang pagkakabuo ng kuwento at tamang-tama ang timpla ng pagkakadirek ni Joel Ruiz, lalo na sa mga confronation scenes nina Rhian at JM, kabilang na ang eksena kung saan inamin ni Lio na nakipag-sex siya sa officemate niyang babae pagkatapos nilang mag-away ni Shana.

Nagmarka rin sa amin ang eksena ni JM nang inakala niyang iniwan at kinalimutan na siya ni Rhian nang muli silang mag-away dahil sa ilegal na droga. Siguradong tumatak din sa mga manonood ang eksena

kung saan muling nakita ni Lio ang kanyang ama na malapit nang mamatay.
Sa lahat naman ng mga nagpapantasya kay Rhian, sure na sure kami na mas lalo kayong maglalayaw sa

Kapuso actress dahil sa ipinakita niya sa movie, lalo na sa mga maiinit na eksena nila ni JM.

At sigurado kaming, liligaya rin ang mga girls and gays na matagal nang nahuhumaling kay JM kapag pinanood nila ang “Kung Paano Siya Nawala”, lalo na sa eksena kung saan naka-underwear lang siya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.

Tama lang na sumugal si Rhian sa pelikula bilang isa sa mga producer nito at agree rin kami sa sinabi niya na mahirap palagpasin ang ganitong klase ng pelikula kung saan naipakita niya ang tamang timing sa pagpapakilig, pagpapatawa at pakikipagtalik.

Showing na ngayon ang “Kung Paano Siya Nawala” sa mga sinehan nationwide kaya kung gusto n’yong makapanood ng isang quality film kung saan makaka-relate rin ang sinumang na-in love na o kaya’y ilang ulit nang nabigo sa pag-ibig, panoorin n’yo ang obrang ito at kayo na ang humusga kung papasa sa inyong panlasa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa pelikula sina Agot Isidro at Ricky Davao na agaw-eksena rin sa kanilang role bilang magkarelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending