Horoscope, November 15, 2018 | Bandera

Horoscope, November 15, 2018

Madam Sophia |November 15,2018
facebook
share this

Horoscope, November 15, 2018

Madam Sophia - November 15, 2018 - 12:53 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsuot ng pula. Sa pinansyal sa pamamagitan ng pula, dagdag na salapi ang makukuha. Sa pag-ibig ang pula din ang lalo pang magpapasigla ng relasyon. Mapalad ang 3, 8, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om.” Bukod sa pula ang berde ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Tama ang naisip mo – magluto ng kakaibang menu. Ang mga produktong may kaugnayan sa pagkain ay maaaring pagkakitaan. Sa pag-ibig, iwasan ang katakawan upang muli kang sumeksi at lalo pang maging kaakit-akit sa minamahal. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Taneo-Om.” Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Maging lalo pang palabigay ngayong nalalapit na kapaskuhan, sapagkat kung lagi kang nagbibigay darating ang panahong ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 2, 7, 27, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Om.” Blue at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang magpabago-bago ng isip. Tutukan at unahing gawin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, may masarap na romansan kung ipagkakaloob ng buong puso ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang – na isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 9, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kahit na may mga lihim na naiingit sa iyo, hindi mo sila dapat na pansinin, upang wag masira ang diskarte na may kaugnayan sa career at salapi. Sa pag-ibig, ang totoo naiinggit lang sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila – O di ba? Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama-Om!” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tama ang pasya mong umalis sa sinilangang bayan. Sa malayong pook, magtatagumpay ka at yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y sasakyang pandagat makikilala ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy, kusa ding lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anuman ang balakid sa relasyon, sa dakong huli ang wagas na pag-iibigan nyo pa rin ang mananig. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Om.” Blue at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Venus ang iyong ruling planet, ibig sabihin kung lagi ka lang mag-paganda, kusa ng lalago at dadami ang pera. Sa pag-ibig, laging papungayin ang mga mata upang maakit ang suwerte at kakaibang ligaya. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ang mga salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman, lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalada ng 2, 13, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Om.” Red at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig at pagkakaperahan may darating na magandang oportunidad. Wag ka ng umarte-arte at wag nang tumanggi pa – sunggab agad ang dapat! Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 42. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Katha-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Magiging maligaya ang araw na ito! Hindi makakatanggi ang minamahal sa anomang hihilingin mo. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 6, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag umasa sa ibang tao, ikaw ang dapat mag-alok ng iyong mga produkto upang mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, sabihin sa minamahal ang matagal mo nang plano na yayain siya sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 4, 8, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi plano ang mahalaga, ang mas mahalaga ay pagkilos. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa kapaskuhan upang tuloy-tuloy ng umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Gray at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending