NAKATAKDANG tumaas ang presyo ng sardinas sa Disyembre 1.
Sa abiso, sinabi ni Marvin Lim ng Canned Sardines Association of the Philippines, nasa pagitan ng 50.at 60 sentimos ang inaasahang pagtaas sa presyo ng isang lata ng sardinas.
Ayon kay Lim, ang pagtaas ay bunsod na rin ng malaking kakapusang at pagmahal ng isdang tamban, pagbaba ng piso at ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Dagdag niya, nag-abiso na ang kanyang grupo sa Department of Trade and Industry kaugnay sa ipatutupad nilang dagdag presyo sa delata.
Kaugnay nito, pinabulaanan ni Lim ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na walang kakapusan sa isdang tamban na pangunahing sangkap sa pagawa ng sardinas.
“Malaki ang kakapusan ng isdang tamban at hinahabol namin ang pagbili ng tamban dahil sa pagsasara o muling pag-ban ng nabanggit na isda sa buwan ng Disyembre,” giit niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.