Fans ng Team Phoenix sinisi si Vice sa pangit na laro ni Abueva; lagi raw kasing tambay sa bar | Bandera

Fans ng Team Phoenix sinisi si Vice sa pangit na laro ni Abueva; lagi raw kasing tambay sa bar

|November 13,2018
facebook
share this

Fans ng Team Phoenix sinisi si Vice sa pangit na laro ni Abueva; lagi raw kasing tambay sa bar

- November 13, 2018 - 12:01 AM


MAS magkakaroon ng panahong makapag-date ngayon sina Vice Ganda at Calvin Abueva dahil out na sa semifinals ng PBA ang Phoenix Fuel Masters nang kabugin ng Meralco Bolts.

Hindi naging maganda ang laro ni Abueva nu’ng matalo sila, kaya si Vice Ganda ang sinisisi ng mga tagasuporta ng koponan, bumaba raw ang laro ni Calvin dahil sa madalas nilang pagba-bar ng sikat na komedyante-TV host.

Ipinopost kasi ni Vice at ng kanyang mga kaibigan ang pagba-bar nila, isang matinding ipinagbabawal sa mga basketbolista, dahil napupuyat sila at nanghihina sa mismong game nila.

Bakasyon ngayon si Calvin, bukod sa pagpa-practice ng kanyang team bilang paghahanda sa susunod na conference ay wala nang masyadong aktibidad si Abueva, kaya makokopo ni Vice ang panahon nito.

Kuwento ng isang source namin na madalas manood ng PBA, “Kundi ba naman sila magkarelasyon, e, bakit pinaglalaanan ng panahon ni Vice ang mga laro ni Calvin, ganu’ng napaka-busy niya?

“At ito namang si Calvin, kapag nakakapag-shoot siya, e, agad nang titingin sa puwestong kinauupuan ni Vice at ng mga friends niya, sabay turo!

“Natural, ang interpretation du’n ng mga miron sa basketball, e, para kay Vice Ganda ang score na ginawa ni Calvin!” tawa pa nang tawang kuwento ng aming kausap.

Why not, coconut!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending