Du30 kay Kiko Pangilinan: Ikaw ang abogado nalaman kong pinaka bobo sa lahat | Bandera

Du30 kay Kiko Pangilinan: Ikaw ang abogado nalaman kong pinaka bobo sa lahat

Bella Cariaso - November 11, 2018 - 04:14 PM

TINAWAG ni Pangulong Duterte si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na ‘pinaka bobong abogado kaugnay naman ng pag-akda sa Juvenile Justice Act kung saan hindi maaaring makasuhan ang mga menor-de-edad.

“Wala ka talaga. Ikaw ‘yung abogado nalaman kong pinakabobo sa lahat . I will — I’m not — I’m not trying to destroy him. But I will — in two minutes, I will destroy him,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa 1st Subaraw Biodiversity Festival sa Puerto Puerto Princesa City, Palawan.

Sa ilalim ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, hindi maaaring makasuhan ang mga may edad na 15 mula sa dating siyam-anyos.

“Fifteen years old, hindi mo makulong. Doon tayo nagkaroon ng great injustice. Prosecutor ako. Kaibigan ko, may utang na loob ako sa kanya sa totoo lang. Pero nandiyan ngayon si — I got a message from — kay Sharon, ‘yung asawa niya,” dagdag ni Duterte.

Kilalang kaibigan ng misis ni Pangilinan na si Sharon Cuneta ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

“Labas-pasok all throughout of the country. Ang nagkasala, rape with homicide, balewala. Babalikan pa ‘yung — sabihin pa, ‘Ulitin namin ‘yan sa anak mo.’Ganun ka-brazen ang mga bata ngayon. Or at least ngayon merong konting kontrol,” dagdag ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na dahil sa batas, ineendorso lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor-de-edad na sangkot sa karumal-dumal na mga krimen.

“So, ilagay mo ‘yan sila sa DSWD. Eh walang gwardiya, sumisibat lang, only to commit another crime in another day. Iyon ang problema. Many thousands ‘yung nabiktima, walang magawa kasi hindi mo nga ma-filan ng kaso,” ayon pa kay Duterte.

Inihalimbawa ni Duterte ang mga batang gumagawa ng krimen sa kahabaan ng Edsa.

“Ito ‘yung mga 15 years old doon na makita mo diyan sa EDSA snatching tapos tatakbo lang. Habulan ng pulis. ‘Pag nahuli ang pulis, ang mga bata talagang ‘pag hinawakan mo, mag — they will fight it out to be freed,” ayon pa kay Duterte.

“Tapos ma-ano talaga ng pulis. Eh kung may sugat, pa-ano kaagad. Kulong pa ang pulis. Kaya sabi ko ito na nga ang nangyari. Pangilinan ‘yan. Mag-isip lang kayo noon pa hindi pa panahon sa batas ni Pangilinan at ngayon — ang nangyaring… Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin,” ayon pa kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending