Palasyo naalarma sa pagtaas bilang ng mga walang trabaho
NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang Palasyo sa pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho matapos namang umabot ito sa 9.8 milyon sa ikatlong bahagi ng 2018, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
“The Palace is seriously looking at the Third Quarter 2018 survey conducted by the Social Weather Stations (SWS) showing adult joblessness at 22% and is continuously finding ways to improve the local employment situation,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Base sa survey na isinagawa ng SWS mula Setyembre 15 hanggang 23, 2018, umabot sa 22 porsiyento ng mga Pinoy ang walang trabaho, mas mataaa ng 2.3 porsiyento kumpara sa naitala na 19.7 porsiyento noong Hunyo 2018.
“We are likewise developing our human resources, and with the designation of Mr. Isidro Lapena as Director-General of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) we are confident that he can contribute in our employment targets by improving industry-relevant competencies of our youth, especially unutilized, unemployed, and underemployed school dropouts, and increase their opportunities for work experience through skills training,” dagdag ni Panelo.
Tiniyak ni Panelo na paiigtingin ng administrasyon ang mga programa para matiyak na mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho.
“Indeed, there will be no let-up in our efforts to bring down the unemployment rate and increase labor participation among our youth and women,” ayon pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.