Diego Loyzaga: ‘Don’t worry. I’m fine...’ | Bandera

Diego Loyzaga: ‘Don’t worry. I’m fine…’

Ervin Santiago |November 11,2018
facebook
share this

Diego Loyzaga: ‘Don’t worry. I’m fine…’

Ervin Santiago - November 11, 2018 - 12:30 AM


“DON’T worry. I’m fine.” Ito raw ang mensaheng ipinadala ni Diego Loyzaga sa celebrity DJ na si Jhai Ho.

Sa ulat ng Push.com, napag-usapan daw sa show nina Jhai Ho at MJ Felipe with Roxy Liquigan na “I Know Right” ang tungkol sa suicide attempt diumano ni Diego. Sinabi ni MJ na may “super reliable source” siya na nag-text sa kanya ng, “MJ, naglaslas ng pulso at leeg si Diego.”

Tinawagan agad ni MJ ang Star Magic para kumpirmahin ang balita pero hindi na raw siya sinagot hanggang sa maglabasan na nga sa social media at ilang tabloids ang tungkol dito.

Samantala, ayon kay Jhai Ho, close raw siya kay Diego dahil nakasama niya ang aktor sa seryeng Pangako Sa ‘Yo. Nang mabalitaan daw niya ang tungkol sa suidice attempt, nag-send siya ng mga quotes sa binata tungkol sa pagdarasal at kung paano i-handle ang mga problema.

Sinabihan pa raw niya si Diego na mag-usap sila, na sinagot lang ng aktor ng, “Thank you.”

Tiniyak pa ni Jhai Ho si Diego na mahal na mahal niya ito at sana’y huwag nitong gagawin ang mga napapabalita.

Dito na raw nagtanong si Diego kung ano ang sinasabi ng DJ kaya ipinadala niya sa binata ang mga article tungkol sa mga balitang nagtangka siyang magpakamatay.

Ang sagot daw sa kanya ng aktor, “Hindi ‘yan totoo, Jhai. Don’t worry. I’m fine.”

Bukas pa rin ang pahinang ito para sa paliwang ni Diego at ng kanyang pamilya hinggil sa diumano’y suicide attempt.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending