Lagot: Bren mabubuko na ni Coach B sa 'Barangay 143' | Bandera

Lagot: Bren mabubuko na ni Coach B sa ‘Barangay 143’

|November 11,2018
facebook
share this

Lagot: Bren mabubuko na ni Coach B sa ‘Barangay 143’

- November 11, 2018 - 12:35 AM


HINDI  na maitatago ni Bren Park (boses ni Migo Adecer) ang kanyang tunay na pagkatao dahil makikilala na siya ni Coach B (John Arcilla) ngayong Linggo, sa pagpapatuloy ng first Filipino anime series na Barangay 143 sa GMA 7.

Matapos makita sa tapsihan ni Tita Baby (Lorna Tolentino), agad na aalamin ni Coach B kung tama ang hinala niya sa bagong saltang Koreano sa kanilang lugar. Isang video ang kukumpirma na siya nga ang Korean basketball superstar.

Samantala, mahahanap naman ni Vicky (Julie Anne San Jose) ang susunod na magiging team captain ng Puzakals. Siya na kaya ang sagot sa pagiging kulelat ng kanilang team sa PIBA?

Huwag palalampasin ang mas lalo pang tumitinding mga eksena sa kauna-unahang Filipino anime series na Barangay 143, tuwing Linggo, 10 a.m. sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 a.m., na may pre-show ng 9:45 a.m.. This Sunday makakasama ng hosts na sina Arran Sese, Lucky Mercado at Eji Santos ang special guest na si Een Mercado.

Para sa updates, i-like angwww.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.

q q q

Magkakasamang haharapin nina Grae Fernandez, Chantal Videla, Jairus Aquino, Kira Balinger, Bugoy Cariño at Patrick Quiroz ang pagiging celebrity VJ ng MYX ngayong Nobyembre.

Ibabahagi ng celebrity VJs ang kasiyahan sa kanilang pinagbibidahan na “Spirits Reawaken,” ang reboot ng 2004 thriller-adventure series ng ABS-CBN tampok ang mga teenager na mapagsasama ang kanilang mga kakaibang kapangyarihan upang labanan ang mga masasamang nilalang. Mapapanood ito sa new content-on-demand digital app na iWant simula Nobyembre 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending