Mel Tiangco umaming inatake sa puso kaya hinay-hinay na sa pagtatrabaho

By Jun Nardo November 09,2018
share this

Mel Tiangco umaming inatake sa puso kaya hinay-hinay na sa pagtatrabaho

By Jun Nardo November 09,2018
share this

MEL TIANGCO

Mahigit dalawang dekada na si Mel Tiangco sa GMA Network. Bukod sa pagiging news anchor at host ng weekly drama na Magpakailanman, Chairman pa siya ng Kapuso Foundation.

Anong meron sa GMA at nananatili pa rin siyang loyal sa network?

“Mahal nila ako dito!” deklara ni Tita Mel nang makausap ng press para sa 6th anniversary ng MPK.

“Napi-feel ko. They give you importance. Binibigyan ka nila ng importansiya at saka wala silang mga pailalim na…twenty two going on twenty three years na ako,” rason ng broadcast journalist.

Teka, dati eh may programa siya sa radio. Ayaw na ba niya itong balikan?

“Precisely! Ha! Ha! Ha! Si Mike Enriquez, gusto niyang magradyo pa ako. Nililigawan niya ako para magradyo noon. Grabe!

“Ano ang sinabi ko sa kanya? ‘Mike, I have to slow down. My doctors said because I had a heart attack last 1997!’ Hayan! Exactly what I mean,” katwiran ni Mel.

Sa buwang ito, sisimulan ang anibersaryo ng MPK. Ngayong Sabado sa episode na “Japinay”, bibida sina Gardo Versoza at Diana Zubiri. Then, magku-cruise siya sa isang lugar sa Europe kasama ang ilang kaibigan para mag-recharge bago sumabak muli sa trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending