SWS: Mandatory drug test sa Grade 4 aprub sa Pinoy
PABOR ang mga Pilipino na magkaroon ng mandatory drug testing sa mga grade 4 students pataas, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa survey na isinagawa mula Setyembre 15-23, nagpahayag ng pagpabor ang 51 porsyento (31 porsyento na lubos na sumasang-ayon at 20 porsyentong medyo sumasang-ayon) sa nais ng Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng drug testing sa mga grade 4 students pataas.
Ang mga hindi naman pabor ay 36 porsyento (24 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon at 12 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon). Ang undecided ay 13 porsyento.
Pinakamarami ang pabor sa panukala sa Visayas na may net na 47 porsyento (69 porsyento ang pabor, 10 porsyento ang undecided at 21 porsyento ang hindi).
Sumunod ang Mindanao na may net na 25 porsyento (52 porsyentong pabor, 22 porsyentong undecided at 26 porsyentong hindi pabor).
Sa Metro Manila ay porsyento ang net (53 porsyentong pabor, 12 porsyentong undecided at 35 porsyentong hindi).
Sa iba pang bahagi ng Luzon ay nakapagtaya naman ng -6 net rating (41 porsyentong pabor, 11 porsyentong undecided at 48 porsyentong hindi).
Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents sa survey at mayroon itong tatlong porsyentong error of margin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.