ElNella nag-duet sa Canada concert, pero wala nang kilig

By Bandera November 07,2018
share this

ElNella nag-duet sa Canada concert, pero wala nang kilig

By Bandera November 07,2018
share this

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

Nalungkot ang mga fans nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Canada matapos silang mapanood sa “One Magical Night” concert kamakailan.

Halatang-halata raw kasi na may pinagdaraanan ang dating magkarelasyon habang nagpe-perform together sa nasabing concert tour sa Canada. Nakasama nila rito sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Ayon sa isang ElNella fan na nakapanood ng concert sa Calgary (Genesis Center), halatang nagkakailangan sina Janella at Elmo nang kantahin nila ang “Born for You” na siya ring theme song at title ng dati nilang teleserye sa ABS-CBN.

Hindi na raw nagtititigan ang mag-ex at wala na ring kilig habang sila’y nagdu-duet hindi tulad noon na talagang may kiss and hugs pa on stage.

“It saddens me to see them like this. As they sang the song I can see a lot of emotions showing up. Love, pain and regrets,” komento ng isang netizen.

Sey naman ng isa pa, “That song was really made for you and nothing will change that.

“Feel the lyrics, Elmo and Janella, absorb every word, so you will feel the love, that developed because of this red string of fate song! Maybe by doing that, you will find the answers in your eyes, your heart to forgive, forget and bury the past.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending