Lubluban ng mukha sa aquarium nina Gelli at Valerie winner

By Bandera November 07,2018
share this

Lubluban ng mukha sa aquarium nina Gelli at Valerie winner

By Bandera November 07,2018
share this

GELLI DE BELEN AT VALERIE CONCEPCION

Patuloy na inaabangan ng mga manonood ang maiinit na eksena at “fight scenes” sa afternoon serye ng GMA na Ika-5 Utos.

Tulad ng phenomenal Kapuso series na Ika-6 Na Utos, bukod sa mataas na rating, araw-araw ding nagte-trending ang Ika-5 Utos na pinagbibidahan nina Gelli de Belen, Jean Garcia at Valerie Concepcion.

Sa katunayan, sa episode ng serye noong Nov. 5 talagang inabangan ng manonood ang confrontation scenes ng mga karakter nina Valerie at Gelli bilang sina Clarisse at Kelly. Winner na winner ang eksena kung saan inilublob ni Valerie ang mukha ni Gelli sa aquarium.

Bago ang lubluban scene, nagkainitan na ang dalawa nang sugurin ni Clarisse si Kelly sa bahay, “Peste talaga kayo sa buhay ko, e. Lalo na ikaw. Ikaw, ni anino mo, bawal tumapak sa bahay ko!”

Resbak naman ni Kelly, “Kayo ni Eloisa, kayo ang may atraso sa akin kaya umalis ka na, ha! Kung gusto mo pang makaalis nang buhay!” Na sinagot naman ni Clarisse ng, “E, sa ‘yo pala nagmana ng pagka-warfreak yang anak mo, e, kaya he’s suffering in jail now. Alam mo, ikaw, magparehab ka na kaya? Or better yet pumunta ka na sa mental!”

Inutusan naman ni Kelly ang kasambahay na kumuha ng itak, sabay dialogue ng, “Tatadtarin ko ‘tong babaeng to, e!” Hirit ni Clarisse, “Oh, let me see you try, sa lagay mong ‘yan, tingin mo makakalaban ka pa? Baka ikaw pa pagsasaksakin ko!”

Binato ni Kelly si Clarisse ng baso sa mukha, “Sige! Magpatayan tayo dito! Ikaw ang isusunod ko sa anak mo!” Dito na nagsampalan ang dalawa, binuhusan din ni Clarisse ng yelo ang mukha ni Kelly, “Maghilamos ka muna ng mahimasmasan ka!” at saka niya inilublob ang mukha nito sa aquarium!

O, di ba? Ang bongga ng Ika-5 Utos? Isa lang ‘yan sa mga pinag-uusapang episode sa programa kaya naman tuwang-tuwa ang buong production dahil patuloy na tumataas ang rating ng show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending