Paolo na-develop sa kaibigang non-showbiz guy

By Bandera November 07,2018
share this

Paolo na-develop sa kaibigang non-showbiz guy

By Bandera November 07,2018
share this

PAOLO BALLESTEROS AT KENNETH CONCEPCION

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa bagong lovelife ni Paolo Ballesteros.

Kumalat kasi sa Facebook ang ilang litrato ni Paolo kung saan may kasama siyang non-showbiz guy na diumano’y bagong karelasyon ngayon ng TV host-comedian.

Kinilala ang lalaki sa photo na si Kenneth Gabriel Concepcion. Ayon sa mga comment ng netizens, matagal na raw magkaibigan ang dalawa at baka raw na-develop lang sila sa isa’t isa.

May nagkomento rin na kuha ang mga litrato nina Paolo at Kenneth sa loob ng isang restaurant sa Biñan, Laguna. Sa isang post ni Kenneth sa FB, ginamit niya ang hashtags na #oso at #muning. Sa mga post ng binata malalamang “oso” ang tawag niya sa sarili habang si Paolo naman ay kilalang cat-lover.

Sa comment section ng mga posts ni Paolo sa Instagram, maraming netizens ang nagsabing makulay na naman daw ang kanyang lovelife dahil sa bagong lalaking nagpapasaya sa kanya.

Last Oct. 28, nag-post si Kenneth ng litrato nila ni Paolo na kuha sa isang restaurant sa Quezon City.

Mabilis itong kumalat sa social media kaya nag-one plus one ang mga Dabarkads na happy na naman ang TV host-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending