JM niligawan noon si Angelica; umaming takot nang ma-in love | Bandera

JM niligawan noon si Angelica; umaming takot nang ma-in love

Bandera |November 04,2018
facebook
share this

JM niligawan noon si Angelica; umaming takot nang ma-in love

Bandera - November 04, 2018 - 12:50 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

INAMIN ni JM de Guzman na pinormahan niya noon si Angelica Panganiban. Nagkasama sila noon sa blockbuster hugot movie na “That Thing Called Tadhana” na naging simula rin ng kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay JM, naging super close sila ni Angelica pero hindi umabot sa seryosong relasyon. Sa presscon kamakailan ng bago niyang movie, ang “Kung Paano Siya Nawala” kasama si Rhian Ramos, natanong kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Angelica.

“Anong totoo sa friendship namin? Hindi kami nagkarelasyon ni Angelica. Naging close kami. Very close friends. Hindi ko alam eh. Ha-hahahaha! Special friend.

“Parang pumorma (ako) ng konti. Gumanu’n ng konti. It’s something din kasi na hindi ko pa muna, and alam ko siya rin, and marami sa amin na hindi pina-prioritize muna siguro (ang lovelife) kasi nagtitipid ako ng energy at pina-prioritize ko ‘yung dapat kong pagtuunan ng pansin,” paliwanag ng aktor.

Dagdag pa ni JM, parang hindi pa ito ang tamang panahon para magseryoso uli sa lovelife, “Still a scary thing for me, love. Alam ko kung ano ang puwede niyang gawin sa akin. Positive or negative. It’s something na hindi ko dapat minamadali.”

Para sa mga fans nina JM at Angelica, abangan n’yo ang reunion movie nila after the success of their 2015 movie “That Thing Called Tadhana,” na ididirek uli ni Antoinette Jadaone.

“Parang may inaayos pa sa story. Hindi ko alam kung ang plano ni direk Tonette kung part two talaga pero parang may plano siyang gawin kami na bago,” chika pa ni JM nang makausap ng media after ng presscon ng “Kung Paano Siya Nawala”.

Samantala, speaking of “Kung Paano Siya Nawala” pareho raw inatake ng nerbiyos sina JM at Rhian habang kinukunan ang love scene nila sa movie na idinirek ni Joel Ruiz at showing na sa Nov. 14.

Kuwento ni Rhian, “Itong movie na ‘to talaga, masasabi kong ibinigay ko na lahat. Wala akong itinira rito.

‘Yung tungkol sa intimate scenes, awkward pa rin. And aware naman ako na pareho kaming nervous no’n. And we were just honest about it na parang, ‘Kakahiya ‘to.’ We were just talking on the side na parang, ‘Nakakahiya ‘to’ or whatever.

“But I guess because of that, alam namin na we were both going through the same thing. Walang lamang dito. Okay tayo,” chika pa ni Rhian.

Kuwento ni Rhian about the movie, “Kung Paano Siya Nawala tells the story of Lio (JM), a quiet and withdrawn young man who finds it difficult to connect with other people due to his face blindness, a cognitive disorder characterized by an inability to recognize faces.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero biglang magbabago ang buhay niya when he falls in love with Shana, my character who is a free-spirited girl who has secrets of her own,” sey pa ng Kapuso actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending