John Vic de Guzman babu muna sa voleyball, kakaririn ang showbiz | Bandera

John Vic de Guzman babu muna sa voleyball, kakaririn ang showbiz

Alex Brosas - November 03, 2018 - 01:15 AM

JOHN VIC DE GUZMAN

Tuloy na talaga ang pag-aartista ni John Vic de Guzman na kasama sa “Class Of 2018” na pinagbibidahan nina Nash Aguas and Sharlene San Pedro.

Volleyball player si John Vic at part siya ng National Team. Una siyang lumabas sa horror film na “Seklusyon.”

“Last year naka-graduate na ako ng Human Resource Management. ‘Yung passion ko sa volleyball nandoon pa rin siya,” say niya.

Does he feel na nalilinya siya sa horror kasi suspense-thriller din ang “Class Of 2018”?

“Actually, nagkataon lang. ‘Yun ang sinasabi ko sa iba’t ibang production na nakakausap naming, na kung anuman ang role ay tatanggapin ko. I think matuto naman ako sa experience ko.

Playing Jamir, isa si John Vic sa sa pinaka-bully sa mga lalaki sa naturang movie.

Now that he finished his course, gusto na ni John Vic na magpakaseryoso sa acting, “Hindi naman habang buhay ay malakas tayo para mag-volleyball. Kailangan po tayo mag-explore saka mag-try ng iba’t ibang puwedeng maging hanap-buhay para in the future ay hindi ako mahirapan,” he explained.

When asked kung ano ang natutunan niya while shooting “Class Of 2018”, “Siguro kung paano mo disiplinahin ang sarili mo. Noong time na nagsu-shooting kami ay medyo mahirap, eh. Mahirap ang fight scene so kailangan hindi ka masyadong aggressive kasi baka makasakit ka.

“Naging maingat po ako pero ako naman ‘yung nasaktan. Pero part naman po ‘yun ng shooting talaga,” dagdag pa ni John Vic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending