P10 minimum sa jeep simula na pero... | Bandera

P10 minimum sa jeep simula na pero…

Leifbilly Begas - November 01, 2018 - 03:16 PM

SIMULA na bukas (Biyernes) ang pagpapatupad ng P10 minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Pero iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tanging ang mga jeepney lamang na mayroong bagong fare matrix o fare guide ang maaaring maningil ng mas mataas na minimum fare.

Ang fare matrix ay kailangang kunin sa LTFRB dahil ginawang permanente ang bagong singil sa pasahe. Nagkakahalaga ng P520 ang application fee at P50 sa bawat unit.

Ipinaalala rin ng LTFRB na dapat magbigay ang mga driver ng 20 discount sa mga estudyante, senior citizen at taong may kapansanan.

 Bukas din magsisimula ang provisional increase na inaprubahan ng LTFRB para sa mga bus. Dahil provisional lamang ang pagtataas ang kanilang babayaran ay P50 kada unit lamang.

Samantala, hihilingin ng Department of Transportation sa LTFRB na suriin muli ang inaprubahan nitong taas pasahe matapos ang tatlong magkakasunod na linggo na pagbaba ng presyo ng diesel.

Sinabi naman ni Aangat Tayo Rep. Harlin Abayon III na maaaring magpatawag ng emergency meeting ang board ng LTFRB upang suspendihin ang pagpapatupad ng taas pasahe ngayong araw.

“They can approve a new decision to hold in abeyance their earlier fare hike resolution order pending another review as suggested by the DOTr,” ani Abayon.

“They are public officials and their work is 24/7.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending