Lalaki arestado sa panggagahasa ng mga anak sa Cavite | Bandera

Lalaki arestado sa panggagahasa ng mga anak sa Cavite

- October 30, 2018 - 05:36 PM

NAARESTO ng mga otoridad ang isang lalaki na umano’y nanggahasa ng kanyang mga anak na babae sa Cavite.

Sinabi ng Eastern Police District (EPD) na naaresto ang suspek ng mga miyembro ng EPD Mobile Force Battalion Intelligence Operatives kamakalawa.

Base sa ulat mula sa EPD, inaresto ang suspek matapos maglabas ng arrest warrant sina Judge Florian Gregory D. Abalajon Regional Trial Court (RTC) Branch 261 at Nicanor A. Manalo Jr. ng RTC Branch 158, ng Pasig City.

Nahaharap ang suspek sa kasong act of lascivious conduct at dalawang counts ng rape dahil sa panggagahasa sa 15-anyos na anak na babae.

Ginahasa rin umano ng suspek ang dalawang iba pang anak na babae ng sila ay menor-de-edad pa, bagamat tumangging magsampa ng kaso laban sa kanilang tatay.

Itinuturing ang suspek na Top 2 Most Wanted Person sa EPD para sa ika-apat na bahagi ng 2018.

Naaresto ang suspek sa isang bahay sa Camella Lessandra Bucandala, Barangay Bucandala IV, Imus, Cavite ganap na alas-8:10 ng gabi.

Dinala ang suspek sa Pasig City Police Station.

Nasa kostudiya naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 15-anyos na biktima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending