ISANG fire volunteer ang nasugatan habang inaapula ang sunog na tumupok sa may 10 kabahayan sa Quezon City kagabi.
Nagsimula ang sunog alas-9:55 ng gabi sa kusina ng bahay nina Roberto Corpus sa GSIS Village, Brgy. Bahay Toro.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.
Mabilis na lumaki ang apoy dahil sa mga nakaimbak na panggatong na ginagamit sa pagluluto.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending