Kalat na: Elmo malalim ang hugot ng pagiging bayolente kapag nalalasing | Bandera

Kalat na: Elmo malalim ang hugot ng pagiging bayolente kapag nalalasing

Ambet Nabus - October 27, 2018 - 12:35 AM

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

HINDI man pinangalanan ni Janella Salvador ang taong pumipigil diumano kay Elmo Magalona na gawin ang nararapat sa kontrobersyang kanilang kinasasangkutan, iisa lang ang nasa isip ng kanilang supporters.

Ito’y walang iba kundi ang nanay ng aktor na si Pia Magalona na noon pa ma’y kilala na sa showbiz bilang isang super protective mother, gaya rin ng nanay ni Janella na si Jenine Desiderio.

Sa mga nakaraang social media post ni Jenine ay palagi nitong hinahamon ang kampo ni Pia na madalas ay inaakusahan pa niyang gumagamit ng ibang tao para rumesbak sa kanya. Pero never siyang pinatulan ng nanay ni Elmo.

But the other day, may ipinost si Pia sa kanyang Twitter account tungkol sa Borderline Personality Disorder na pinaniniwalaan ng marami na para kay Janella.

Tweet nito, “In borderline personality disorder, devaluation often alternates with idealization. They may shift from great admiration for a loved one — idealization of that person — to an intense anger or dislike towards that person — devaluation of that person,” na mula sa mental health website na www.verywellmind.com.

Ngayong nagdesisyon na ang pamunuan ng Star Magic na hindi na puwedeng magsama sa kahit na anong project sina Elmo at Janella, ano na kaya ang susunod na hakbang ng kanilang mga butihing ina?

“In time.” Ang sey naman ng ilang malalapit na kaibigan nina Elmo at Pia Magalona na nakausap namin hinggil sa pagbibigay ng reaksyon sa mga naging akusasyon ni Janella.

Uunahin na muna raw kasi ni Elmo na maayos ang kanyang “psychological being” dahil seryoso na pala ito sa kanyang therapy na may kinalaman sa pag-inom ng alak. Ito kasi ang sinasabing dahilan kung bakit nasaktan niya physically ang dating girlfriend.

Ayon pa sa aming nakausap, medyo matagal na raw nakikipagkita sa therapist si Elmo (gaya ni Janella) at ito lang daw ang makapagsasabi kung may improvement na sa behavior ng binata na umano’y may malalim na pinag-uugatan ang pagiging “bayolente” umano pag nalalasing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending