Indie actress galit na galit sa tabloid press
SEETHING with anger ang indie starlet of intergalactic proportion na si Chai Something over a headline which she felt was degrading to the recent Cinema One Originals 2018 best actress Iyah Mina.
On her Twitter account, this aktres-aktresan reposted the content of the article and ranted against the writer.
“Nababalot ng kontrobersya ang Best actress category dahil isang baguhang transwoman ang tumalo kina Rufa Mae Quinto, Meryl Soriano, Chai Fonacier, Loisa Andalio at EulaValdes sa Cinema One Originals Festival 2018. Ito’y si Iyah Mina para sa pelikulang Mamu and A Mother Too.”
“Why should it be a ‘controversy’ if a transwoman won the Best Actress award? Why must it be a click bait? ‘Nababalot ng kontrobersiya,’ says the lede in.
“F**ck it, it’s 2018. Get with the program. She’s a she. She won fair and square. F***ck you,” ‘yan ang maangas na aria ng starlet na ito.
“Sinong sumulat nito? Kung miyembro ka man ng LGBTQ+ community, if ever, ha, wala kang inambag sa pagsulat mo ng lede in na ito. Counterproductive ka sa laban.
“Dapat, we should celebrate that a transwoman won a Best Actress Award. Pero in a positive light.
Napaka walang hiya naman yung headline na ‘Dating Beki,’ plus yung lede in na may controversy daw.
Napaka Nega and counterproductive sa laban ng LGBTQ+.
“Ito talaga yung di ko maintindihan sa tabloid press: kay dami dami ninyong member ng LGBTQ + Community, pero halos wala kayong inaambag. Di ko maintindihan kung ba’t kayo counterproductive. Where the hell do you really stand?
“Hoy, 2018 na. May Google na, kung di nyo pa alam yan. May communities na that you can ask. Wala pa rin kayong progress? Intriga pa rin ang motivation ninyo? What, to sell papers? Diyos ko lang ha,” mahabang aria pa ng hindi kagandahang starlet.
Excuse me lang, Chai Something, ha. The “dating beki” headline is not walanghiya. It is the truth. If you can’t embrace truth, then don’t read.
Two, tama ang ginamit na “controversy” because it is how the writer viewed Iyah’s win. Since the winner is not a true woman at tinalo niya ang berdaderong mga babae, tiyak na lilikha nga iyon ng kontrobersiya.
Hindi ba’t lumikha rin ng ingay ang pagsali ng isang transgender sa Miss Universe? That’s how it is, in case you don’t know.
Three, ‘wag masyadong feeling. Your “Ito talaga yung di ko maintindihan sa tabloid press: kay dami dami ninyong member ng LGBTQ + Community, pero halos wala kayong inaambag” was full of CONDESCENSION.
You must remember that the indie films that you have appeared at will never get mileage kung hindi sila nasulat sa tabloid, the very medium that you are HOWLING at.
Ikaw, ano ba ang inambag mo sa sining? Bakit until now ay starlet of the universe ka pa rin? Ano ang feeling ng starlet na ito na mukhang pinabili lang ng naptalina, eh, kung umasta akala mo ay National Artist ang kanyang kalibre?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.