Abby Binay pang-MMK ang life story; ibinuking si Monsour | Bandera

Abby Binay pang-MMK ang life story; ibinuking si Monsour

Bandera - October 26, 2018 - 01:00 AM

ABBY BINAY

SIGURADONG pasado sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos o Magpakailanman ni Mel Tiangco ang life story ni Makati City Mayor Abby Binay.

Sa dami ng pinagdaanan ng alkalde ng Makati sa kanyang personal at propesyonal na buhay, pwedeng-pwede raw sa MMK at MKM ang kanyang masalimuot ngunit makulay na buhay.

At kung isasalin nga raw sa pelikula o sa drama anthology ang kanyang life story, pwede raw si Lovi Poe ang gumanap na Abby dahil pareho silang morena. Nagagalingan din daw siya sa dalaga bilang aktres.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Mayor Abby kamakailan at dito nga niya pinabulaanan na hindi gimik o press release ang labanan nila ng kanyang kapatid na si Junjun Binay para sa pagka-mayor ng Makati sa 2019 midterm elections.

“This is not something that we wanted to happen. People see that this is a PR stuff because at the end of the day, Binay pa rin ang mananalo. Pero para sa akin, para pagdaanan ko ito, it’s really not worth it!

“Kung puwedeng hindi kami maglaban, my parents tried very hard na hindi ito mangyari. Again, ano ngayon? October 23 at ang eleksyon May 2019, marami pang puwedeng mangyari until now and the day of the election. I feel that there is still time,” paliwanag ng alkalde.

Aniya, pareho sila ni Junjun na maraming plano para sa mga taga-Makati kaya ito raw ang ipaglalaban niya. Kasabay nito, inamin din ni Mayor Abby na hindi sila close ng isa pa niyang kapatid na si Sen. Nancy Binay.

Dito inamin din ng mayor na hindi na sila okay ng congressman ng Makati at aktor na si Monsour del Rosario. Tinanong kasi siya kung ano ang tingin niya sa actor-politician.

Tugon ni Abby, “Hindi ko siya tinitingnan!” sabay sabing, “Kaya ayokong magpa-interview, eh!”

Pagpapatuloy pa niya, “Kung i-bash niya ako sa Facebook, wagas! Kami ni Monsour, nag-break na kami January pa lang. We broke up, parang magdyowa, ‘di ba? Gusto mo specific na araw? Kasi tandang-tanda ko ‘yon.

“I was hoping that…nu’ng mag-usap kami ni Monsour nu’ng January this year, it was because for two years, wala talaga siyang ginagawa. Pasensiya na. Hindi siya napupuntahan ng tao. Hindi siya nagpaparamdam. Ang nakikita palagi, example na lang, hindi ba kailangang mag-a-attend ka ng graduation?

“May mga obligasyon na dapat kang gagawin? Parang kung papipiliin between sa trabaho niya as congressman and as PSC (Philippine Sports Commission), ‘yun ang pinili niya kesa ‘yung trabaho sa distrito,” lahad ni Mayor.

Dagdag pa niya, “Kung masipag ang pinalitan mo, dapat ganoon ka din. Hinahanap siya. Pero ‘wag na natin siyang pag-usapan baka sumikat pa! Ha-hahaha!” chika ng alkalde.

Bukas naman ang pahinang ito sa paliwanag ni Monsour sa mga sinabi ni Mayor Abby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala raw siyang masyadong kaibigan sa showbiz, ang isa raw sa maituturing niyang loyal friend ay ang konsehal ng Makati na si Jhong Hilario. Mula raw noon hanggang ngayon ay nananarili pa ring matatag ang kanilang samahan dahil pinaninindigan nila ang pagkakaibigang walang iwanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending