Anne atat nang mag-honeymoon sa South Africa | Bandera

Anne atat nang mag-honeymoon sa South Africa

Bandera |October 26,2018
facebook
share this

Anne atat nang mag-honeymoon sa South Africa

Bandera - October 26, 2018 - 12:55 AM

ERWAN HEUSSAFF AT ANNE CURTIS

Atat na atat na si Anne Curtis sa nakatakdang honeymoon nila ng asawang si Erwan Heussaff ngayong November.

Naka-leave na ang aktres sa Showtime at natapos na rin niya ang kanyang 2018 MMFF entry na “Aurora”. Sa South Africa magha-honeymoon ang mag-asawa.

“I’m very excited to finally go on my honeymoon. Very understanding naman yung asawa ko and nakaantay siya ng one year bago mag-honeymoon,” sabi ng TV host-actress. Umaasa naman ang mga fans ni Anne na sa kanyang pagbabalik sa bansa after ng kanilang bakasyon sa South Africa ay buntis na siya.

Ayon pa kay Anne, natapos na rin niya ang dubbing para sa horror movie niyang “Aurora” na kinunan pa sa Batanes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending