Elmo binansagang ‘Baron Geisler Jr’, nagbabagong-anyo kapag nalalasing
Matinding damage control ang kailangang gawin ng kampo ni Elmo Magalona para kahit papaano’y makabalanse siya sa mga binitiwang rebelasyon ng kanyang dating girlfriend na si Janella Salvador.
May partida pa nga ang pagsasalita ng dalaga kung tutuusin, mahabang panahon muna ang pinalipas nito bago nagsalita, palaging ang kanyang ina lang ang bigay nang bigay ng insinwasyon na sinaktan ni Elmo nang pisikal si Janella.
Alak na naman ang pinakadahilan ng kuwento. Kapag hindi nasasayaran ng agua de pataranta si Elmo ay maayos sila ni Janella pero kapag lasing na siya ay nag-iinit ang kanyang ulo.
Sa mga pagkakataong inamin ni Janella ang pananakit sa kanya ni Elmo ay lasing ang binata. Nakainom.
Hindi kayang hawakan ni Elmo ang kanyang kalasingan.
Nagiging mabilis ang kanyang kamao, away ang hanap niya, kaya binabansagan siya ngayon na junior ng nagpapa-rehab na si Baron Geisler.
Alak lang ang sumira sa kanilang loveteam at sa kanilang relasyon. Alak na kapag umaagos na sa lalamunan ng young actor ay parang lason nang nagtutulak sa kanya para manakit.
Kailangan ng propesyonal na ayuda ni Elmo Magalona.
At kailangan talaga niya nang matinding damage control para makaparehas siya sa maselang isyu na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.