Carlo umamin na: Mahal ko rin po si Angelica, pero hindi kami!
BAGAMA’T hindi ang pelikulang “Exes Baggage” ang unang pelikulang ginawa ni Carlo Aquino mula sa matagal niyang pananahimik sa showbiz, ay inamin niyang malaking bahagi ang leading lady niyang si Angelica Panganiban kaya nagniningning ulit ang karera niya ngayon.
“May dapat akong pasalamatan, siyempre, pasasalamatan ko si Angge, pasasalamatan ko rin ang Spring Films (producer ng pelikula nila ni Bela Padilla na Meet Me In St. Gallen),” ang pahayag ng aktor sa presscon ng concert nila ni Matteo Guidicelli na “Matteo X Carlo” nitong nagdaang Martes.
“Ang dami kong pasasalamatan hindi ako matatapos dahil para makabalik dito (showbiz) at nagsasalita ngayon sa harap n’yo at may concert pa, hindi lang si Angge, pero isa siya sa malaking bagay kung bakit nandito ako ngayon at hindi ko isinasantabi ‘yun,” pagtatapat ng aktor.
Samantala, naging viral ang post ni Angelica sa kanyang Instagram account na litratong nakakandong siya kay Carlo na may caption na, “Hindi na matatapos. Lahat ng kaligayahan ngayon, para sayo. Mahal kita.”
Pagkatapos ng presscon ay tinanong ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe si Carlo kung anong ibig sabihin ni Angelica sa kanyang IG post sabay singit ng. “Kayo na ba?”
“Hindi kami, well, ako rin naman, mahal ko rin naman siya source of inspiration, di ba? ‘Yun lang din naman ang wini-wish namin sa isa’t isa na hindi matapos ang saya,” seryosong sabi ni Carlo.
Ipinaalala naman namin sa aktor na sa huling panayam namin sa kanya sinabi niyang huwag muna siyang tanungin kung ano ang plano niya kay Angelica dahil may “Exes Baggage” pa, tanungin na lang daw siya ulit pagkatapos ng pelikula.
Ayon kay Carlo, “Hanggang ngayon naman nagkikita pa rin kami at hindi natatapos ang communication after ng pelikula, pumupunta ako sa kanya, sinusundo ko siya kapag may kailangan kaming puntahan.”
So, may mutual understanding na sila ni Angelica, “Hindi namin napag-uusapan actually,” saad ng binata.
Samantala, first time magsasama nina Carlo at Matteo Guidicelli sa isang concert, ito ngang “Matteo X Carlo in Concert” na gaganapin sa Music Museum sa Nob. 17 produced by Hills & Dreams and OnQ.
Ano ang mga kantang maririnig sa kanila ng kanilang mga supporters, “Almost the same kind of music kami,” say ni Carlo. “Nagre-reggae ako, siya rin naman nagre-reggae din.”
“A lot of pop-rock and few love ballad songs that will be included in the repertoire,” dugtong naman ni Matteo, “Mga piling 90’s songs din,” singit ni Carlo.
Natanong din kung isa ba sa magiging special guest si Angelica sa “Matteo X Carlo” concert.
“Hindi ko alam kung makakapunta sila! Sila?” natawang sagot ni Carlo.
Ang “Matteo X Carlo” show ay ididirek ni Frank Lloyd Mamaril habang si Marvin Querido naman ang musical director.
Kabilang sa mga sponsors ng show ay ang BoardWal, BeauteDerm Corporation, Circulan, Chef & Brewer Café, Fernandos Bakery, FLM Creative and Production Inc, Gingerbon Lungcaire Plus, Nature Spring, One Stop Soap, R20 Events Place, The Platinum Karaoke Uratex Foam at Vitasoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.