Palasyo sa P334 panukalang wage hike: Wage board na magdedesisyon | Bandera

Palasyo sa P334 panukalang wage hike: Wage board na magdedesisyon

Bella Cariaso - October 23, 2018 - 03:14 PM

SINABI ng Palasyo na ipinauubaya na ng Malacanang sa regional wage board ang desisyon kaugnay ng petisyon para sa P334 karagdagang umento sa sahod matapos naman ang paghahain ng isang labor group.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang wage board na ang magdedesisyon hinggil dito.

“You know, our wage board will determine after accepting evidence on both sides, whether or not there is a need for an increase. So,?the Palace will respect whatever the decision of the wage board is,” sabi ni Panelo. 

Naghain ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines sa Regional Tripartite Productivity and Wages Board-National Capital Region ng supplemental petition upang itaas ng P334 ang arawang sahod na hinihingi nito.

Noong Hunyo ang hiniling ng ALU-TUCP ay P320 dagdag sa arawang sahod pero dahil sa malaking pagtaas sa presyo ng bilihin ay dapat na umanong itaas ang sahod ng P334.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending