Kalahati ng P1.1B jackpot kinubra na ng isang nurse | Bandera

Kalahati ng P1.1B jackpot kinubra na ng isang nurse

Leifbilly Begas - October 23, 2018 - 02:49 PM

KINUBRA na ng isang nurse ang kalahati ng P1.1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Oktobre 14.

Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas na ang nanalo ay mahigit 30 taong gulang, may-asawa, at isang contractual worker.

Idinagdag ni Casaa na ayon sa nanalo, hindi umano niya kinuha ang premyo kaagad dahil tiniyak niya muna ang seguridad ng kanyang pamilya.

Plano niya na bayaran ang lahat ng kanyang utang. 

Sinabi naman ni Bong Solmerin, PCSO deputy spokesperson sa Office of the General Manager, may dalawang kamag-anak na kasama ang nanalo ng pumunta main office ng PCSO sa Mandaluyong City noong Lunes. Ang nanalo ay 33-taong gulang.

Siya ay tumaya sa isang mall sa Legazpi City, Albay at nakuha niya ang winning number combination na 40-50-37-25-01-45.

Nag-uwi siya ng P472 milyong jackpot prize na kalahati ng jackpot prize matapos na bawasan ng 20 porsyentong buwis. 

Noong nakaraang linggo ay kumobra na ang isa pang nanalo na tumaya naman sa Eastern Samar. Isa siyang tricycle driver.

Siya ay nangutang ng pamasahe para makarating sa Maynila at makuha ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending