Rico J. naospital dahil sa eksenang bugbugan sa 'Ang Probinsyano': Ayun bigla akong nawala! | Bandera

Rico J. naospital dahil sa eksenang bugbugan sa ‘Ang Probinsyano’: Ayun bigla akong nawala!

Julie Bonifacio - October 21, 2018 - 12:10 AM

RICO J PUNO

KILALANG malapit sa pamilya Binay ang legendary singer at konsehal ng Makati na si Rico Puno. Kaya feeling ng iba ipit si Rico sa banggaan ng magkapatid na Junjun at Abby Binay sa pagka-Mayor ng Makati City.

Pero kabaligtaran ito ng naramdaman ni Rico, “Una pa man, may desisyon na ako, e. Ang tagal kong nakasama sa Makati bilang Konsehal si Junjun. Nakita ko ‘yung mga ginawa niya sa mga taga-Makati.

“Parang tatay niya siya, e. Maaga pa lang umiikot na sa Makati at kung may 100 ang patay sa araw na ‘yun, lahat ‘yun pupuntahan niya,” lahad ni Rico sa presscon ng concert niya titled “Music And Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko.”

Ayaw na sanang tumakbo pa ulit ni Rico at ang anak na lamang niya na si Tosca Puno ang magpapatuloy ng kanyang pagsisilbi sa kanilang mga kadistrito.
Plano na rin sana niyang i-announce ang kanyang retirement both in showbiz and politics sa gaganaping “Music And Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko” concert produced by Grand Leisure and StartUp Village in cooperation with Solaire Resort & Casino sa The Theater on Nov. 23.

“Pero marami pa ang gusto na magpatuloy ako at saka parang ‘yun ang gusto sa akin ng Diyos, e. ‘Yung magsilbi pa rin ako sa tao at mapasaya sila at the same time. Kaya siguro hinahayaan pa rin niya akong mabuhay kahit may pacemaker na ako sa puso ko,” nangingiting sabi pa niya.
Special guest sa concert ni Rico ang anak na si Tosca na sobrang happy na madalas na niyang kasama ang kanyang ama. May kakaibigang excitement si Tosca na nararamadaman na makasama ang ama sa concert together with Giselle Sanchez and Marissa Sanchez.

“Puno ng sorpresa ang concert namin. Meron siyang vibe of a real treat, that feeling that you don’t know what to expect. Gusto ko kasi kapag nagso-show ako spontaneous ang dating. If not, I think mag-retire na lang ako,” sambit pa niya.

Sa kabila ng major heart operation, he’s still very active mapa-showbiz man o politika. We wonder where he gets his energy.

“Pero alam mo, nu’ng may eksena ako na bubugbugin ako sa Ang Probinsyano, dinala ako noon sa osptial. At sabi ng doktor ko, tumigil na raw ako. Kaya hayun, nawala ako sa show. Ayaw na ng doktor ko,” sabay ngisi ni Rico.

Nawala rin siya sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home, na halos kasabay din nang pagkawala ni John Lloyd Cruz sa sitcom. And until now, ‘di niya alam kung ano na ang mangyayari sa karakter niya doon, kung babalik pa siya o hindi na.

Personally, ‘di niya type ang ini-establish na kwento sa HSH between Piolo Pascual and Toni Gonzaga. Sana raw hayaan na lang na walang partner si Toni sa show kesa maging sila ni Piolo.

Although, it’s up to the executives naman daw kung ano ang gusto nilang gawin sa show.

Then, we asked him na baka tsutsugihin na ang HSH at palitan na lang ng bagong sitcom ng ABS-CBN lalo pa’t inamin na ng nagbabalik-Kapamilya na si Regine Velasquez na isa sa mga unang gagawin niyang project sa network ay sitcom with her hubby Ogie Alcasid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Posible raw ‘yun sabi ni Rico pero wala siyang ideya kung tatanggalin na sa ere ang HSH na limang taon na ring namamayagpag sa timeslot nito every Saturday.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending