Maris: Sana meron ding sem break ang mga bashers, ‘no!

MARIS RACAL

MAY bagong hugot na naman ang Kapamilya young actress na si Maris Racal sa gitna ng matinding pamba-bash sa kanya ng mga netizens, kabilang na ang mga fans ni Loisa Andalio.

Dati niyang best friend si Loisa ngunit nagkaroon sila ng gap dahil na rin sa pang-iintriga sa kanila ng kani-kanilang mga supporters.

Sa kanyang Twitter, nag-post si Maris ng mensahe para sa kanyang haters. Tweet niya, “Sana meron ding sem break ang mga bashers no? Hinga lang baaa! Ganun! Ipon ipon ng masasakit na salita para sa next sem! Ganoon.”

Sa isang panayam, sinabi ni Maris na nasira ang friendship nila ni Loisa dahil na rin sa patuloy na pagkukumpara sa kanila, “Malaking bagay po yung mga sobrang harsh na comments ng fans. Lagi kaming naku-compare—who’s better, who’s not.”

Sa interview naman ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Loisa na miss na miss na niya si Maris, “Opo naman, Tito Boy, dati kasi sa PBB, sabay kaming nangarap. At sa totoo po, wala naman talaga ako masyadong kaibigan sa showbiz.

“Kung best friend niya si Sue (Ramirez), nirerespeto ko naman po ‘yun kasi may karapatan naman po tayo makipagkaibigan sa iba,” dagdag ng dalaga.

Ito naman ang sagot ni Maris sa kanya, “Actually to be honest, hindi ko talaga pinanood ‘yung video. Kung nami-miss niya (ako), meron namang cell phone. Alam naman niya ‘yung number ko, pwede naman mag-text.

“Idaan na lang po natin sa mature na way of saying things. As in malapit lang kami nakatira and she knows I’m always here for her if she needs me,” aniya.

 

Read More:

Kalat na: Nash Aguas, Alexa Ilacad naghiwalay daw nang magkaaway?

AlDub Loveteam vs Regine sa ASAP at Sunday Pinasaya fake news pala

 

Read more...