Kalat na: Nash Aguas, Alexa Ilacad naghiwalay daw nang magkaaway?
KUMALAT ang balita na nagdededmahan ngayon ang dating magka-loveteam na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad na huling napanood sa seryeng The Good Son ng ABS-CBN.
Hindi raw kasi naging maganda ang paghihiwalay nila bilang screen partners. Kaya sa nakaraang intimate presscon ng pelikula ni Nash, ang suspense-thriller na “Class of 2018” umder T-Rex Entertainment, ay tinanong siya tungkol dito.
“Hindi ko na po matandaan, sobrang tagal na niyon,” bungad ng binatang aktor. Pero aniya, may communication pa rin silang dalawa, “Opo, actually nag-mall-show kami sa BUM, kasi magkasama kami roon. Last month lang ‘yun tapos may mall show kami next week at may photo shoot pa kami three weeks ago at okey naman kami.
“Okey naman ang sinabi niya na ‘we grew up and we grew apart.’ Matagal na ‘yon eh, 2016 so, hindi ko alam eh. Ilang beses na rin namang napag-usapan na rin namin,” dagdag ng dating child star na binatang-binata na ngayon.
So, saan nanggaling ang chika na may tampuhan sila ni Alexa? “Siyempre ako naman that time, special pa rin sa kung anong mayroon sa kanya. Ayoko kasing may bad blood. As much as possible nga parang tatlong beses akong nag-try na ayusin. Pero may times talaga na hindi na kaya.
“Natural naman na may tampuhan pero after niyon, I made sure na before kaming mag-part ways maging ayos kami. Nag-usap kami.
“Kaya ngayon, okey na kami, nakaka-mall show na kami ng sabay. Kahit before pa ng interviews namin, nag-usap na kami. Nag-react lang siguro ang tao before sa term na ‘hindi niya tatawagin na friends kasi ang friends ay someone na ganyan-ganyan.’
“Hindi kami nag-uusap ng constant pero kapag pinagsama n’yo kami, ayos kami. Hindi na nga lang kagaya ng dati na laging magkasama. Pero okey kami,” paliwanag ni Nash.
Samantala, napanatili naman nina Nash at Sharlene ang kanilang friendship mula nang magsama sila sa Goin’ Bulilit. And after more than a decade, magiging magka-loveteam na sila ngayon sa pelikulang “Class of 2018 na isang horror-suspense-action na idinirek ni Charliebebs Gohetia.
“Iba talaga kasi kami, hindi kami laging nag-uusap niyan, kahit hindi kami laging nagte-text. Pero noong time na nangyari ‘yung nagkakaproblema kami ni Alexa, ang naaalala ko alam niya ‘yun kasi tine-text ko siya eh. Kaya alam niya na matagal na rin ‘yung nagkaroon kami ng problema ni Alexa.
“Si Sharlene ang tipo ng kaibigan na kahit matagal mo nang kausap eh, okey na okey,” kuwento ni Nash. Sa katunayan, lumabas ang natural na chemistry ng mga bagets sa teen horror suspense film na “Class of 2018” under T-Rex Entertainment.
Hindi lang daw pakilig at pananakot ang gagawin nina Sharlene at Nash sa pelikula, sumabak din sila sa matitinding aksyon. Sa kuwento ng dalawa at ni Direk Bebs, feeling namin parang “Final Destination” at “Scream” ang tema ng pelikula na isa-isang mamamatay ang mga karakter.
Showing na sa Nov. 7 ang “Clash Of 2018” nationwide. Ka-join din dito sina Kiray Celis, Kristel Fulgar, CJ Navato, Ethan Salvador at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.