Payo ni Aga kina Andres at Atasha: Huwag kayong tumingin sa mayaman o mahirap…

ATASHA AT ANDRES MUHLACH

Very open na ngayon si Aga Muhlach sa usapin tungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang kambal na anak in the near future.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, natanong ang aktor kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling lumapit ang anak na si Atasha isang araw at nagsabing “she has fallen in love.” Diretsong sagot ni Aga, “I’m okay. Na-practice ko na yan. Life has a way of teaching you these things.”

“One day, you realize na, ‘Wow our children are not ours really.’ Taga-bantay lang talaga tayo sa kanila because at some point may kukuha talaga diyan e. Parang yung kinuha ko ang asawa ko sa nanay niya. But I still want it done the right way. I’m still old school,” paliwanag ng aktor.

Inamin din ni Aga na hindi niya maiwasang isipin na, “Sino kaya yung lalaking makikita kong hahawak sa kamay ng anak ko or aakbay or hahalik sa babae ko? Naku, brother, wag ako. Alam ko yan. Papunta ka pa lang, nakailang balik na ako diyan. Wag ka magmagaling, hijo, baka gusto mo ng tubig. Baka nag-iinit ka lang. Eto maraming ice.

“I’m just curious lang kung sino yung guy na yun kasi kapag nasaktan siya sa puso, I’m just going there to listen, I’m not going to ‘kasi ikaw,’” sabi pa ng daddy ni Atasha.

Payo raw niya kina Atasha at Andres, “I even told my kids, wag kayong tumingin sa mayaman o mahirap. Basta maganda ang hangarin, maganda ang pakitungo.

“Parang ako noon may mga nililigawan din ako, may mga family na naglu-look down din sa akin. Ang baba ng tingin sa akin. Ang sakit. Basta whatever makes them happy,” aniya pa.

 

 

Read more:

Barbie biktima rin ng pambu-bully sa iskul

Golden Canedo may nadiskubre sa ugali ni Kyline

Read more...