Horoscope, October 18, 2018

By Madam Sophia October 18,2018
share this

Horoscope, October 18, 2018

By Madam Sophia October 18,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Wag intindihin ang iniisip ng iba ang mas mahalaga maipatupad mo ang sarili mong kagustuhan. Sa pinansyal iwasang maging magastos, lalo na ngayong papalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, kung ikaw lang ang masusunod noon ka pa sana naging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Bukod sa pink at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang panahong ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ikaw naman ang tanggihan? Sa anumang ginagawa, panatiliing bukas ang palad upang lalo kang pagpalain ng langit. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Lilac at gray ang buenas
Taurus – (April 20-May 20) — Bago simulan ang anumang trabaho, humigop muna ng mainit na sabaw, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong pakiramdam. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang lalo pang umigting ang init ng pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ngayong malapit na ang Pasko magsikap kang makaipon ng maraming-maraming pera upang may mapang-regalo sa mga inaanak. Sa pag-ibig, ang dating umaayaw sa iyo ay muling magbabalik. Mapalad ang 5, 9, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam.” Pink at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kaya hindi ka yumayaman, kulang ka sa lakas ng loob! Kapag malakas na ang iyong loob, makikita mo kusa kang papalarin at mas mabilis kang uunlad. Sa pag-ibig, sa isang Capricorn o kaya’y sa isang Scorpio masusumpungan ang ganap na kaligayahan. Mapalad ang 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Green at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ngayong panahong malapit na ang kapaskuhan, magkakapera ka ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Aries. Sa pag-ibig, bukod sa Aries ka-compatible mo rin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 1, 13, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Yellow at peach ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tanungin ang sarili: “Ano ba ang higit na mahalaga, ang lipunan o ang pamilya?” Pamilya ang dapat na mauna, upang habang buhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tuloy-tuloy ang pasok ng salapi, habang abala ang lahat sa nalalapit na “araw ng mga kaluluwa.” Sa pag-ibig, na sa iyo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi ka na nadala, bakit nakikipagtransaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang nilalang? Umiwas sa mga taong kinokontra ka, ipapahamak ka lamang nila. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang pagdodomina sa kasuyong sobrang bait. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, kailangang mapaligaya mo ang iyong sarili kahit na malayo ang minamahal. Sa pinansyal, kailangang mag-ipon ka nang mag-ipon, upang kapag nagigipit, hindi ka na nangungutang pa kung saan-saan at kung kani-kanino. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit inaapi ka, walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, hindi ka na nila kayang apihin. At sa panahong mayaman ka na, iwasan mo namang mang-api ng kapwa. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pagdarasal muling uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang maligayang pakikipagrelasyon ay ipagkakaloob din sa iyo sa malapit na hinaharap. Ang mahalaga, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Mapalad ang 4, 13, 33, 40, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ask and it will be given to you; seek and you will find.” Orange at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi matututong magpakatuso paano ka tatabo ng malaking halaga? Sa pag-ibig, kumbinsehin ang kasuyo na sumosyo at tumulong sa iyo sa naiisip mong negosyo, upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” White at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending