Adamson Falcons nadagit ang ikaanim na panalo | Bandera

Adamson Falcons nadagit ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay , |October 17,2018
facebook
share this

Adamson Falcons nadagit ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay - , October 17, 2018 - 08:36 PM

 

WINAKASAN ng Adamson University Soaring Falcons ang kanilang two-game losing skid matapos dominahin ang National University Bulldogs, 69-58, sa kanilang UAAP Season 81 men’s basketball game Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Bunga ng panalo, nakasama ng Soaring Falcons, na nagmula sa pagkatalo sa kamay ng Far Eastern University Tamaraws at at De La Salle University Green Archers, ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa itaas ng team standings sa kanilang hawak na 6-2 record.

Rumagasa ang Adamson para itayo ang 25-puntos  na abante sa huling bahagi ng first half matapos makaiskor ng layup si Papi Sarr para sa 42-17 bentahe na naging sapat para makapitan ng Soaring Falcons ang kalamangan hanggang sa tumunog ang final buzzer kahit nagawang makaratsada ng Bulldogs.

Nagawang talunin sa puntusan ng Bulldogs ang Falcons, 22-12, sa ikatlong yugto para tapyasin ang kalamangan sa siyam na puntos, 54-45, papasok sa ikaapat na yugto subalit agad ding sumagot ang Adamson sa pagpasok ng huling yugto.

Nanguna si Jerrick Ahanmisi sa isang 6-0 run para paangatin ang kalamangan ng Falcons sa 63-48 at tuluyang maiwanan ang NU.

Kumana si Ahanmisi ng 21 puntos para pangunahan ang Falcons habang si Papi Sarr ay nagdagdag ng 16 puntos at 11 rebound.

Namuno para sa NU si Dave Ildefonso sa ginawang 21 puntos at anim na rebound.

Bunga  ng pagkatalo, nanatili ang Bulldogs sa ikapitong puwesto sa tangang 2-6 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending