Jake nagpalitrato ng hubo't hubad | Bandera

Jake nagpalitrato ng hubo’t hubad

Reggee Bonoan |October 16,2018
facebook
share this

Jake nagpalitrato ng hubo’t hubad

Reggee Bonoan - October 16, 2018 - 01:50 PM


WALA palang kinalaman ang sexy photos ni Jake Cuenca sa panghapong-seryeng Los Bastardos na ipinost niya sa Instagram nitong Sabado ng gabi.

Akala namin ay kasama ang mga hubad na larawan ng aktor sa mga eksena niya bilang si Isagani sa nasabing serye.

Ayon sa manager niyang si Neil de Guia, nagpa-pictorial si Jake na ang tanging natatakpan lang ay ang kanyang private part, “Para sa book niya,” sabi sa amin ni Neil.

Ang taray! Maglalabas na rin ng libro si Jake na ang concept ay sexy, tanong namin kay Neil.

“It’s his personal book lang. Gusto lang niya makita na at 30’s kaya pa niyang magpa-sexy at makipagsabayan sa mga batang aktor,” pahayag sa amin ng manager ng aktor.

Nakakaaliw ang comments ng followers ni Jake, nagustuhan nila ang mga litrato ng aktor at maging sa Facebook page ng manager niya kung saan ni-repost ang mga larawan ng aktor ay napakaraming nag-comment.

Humihingi ang netizens ng kopya ng litrato ni Jake at sana araw ay makilala nla nang personal ang bida ng Los Bastardos.

May kaibigan kaming gustong magkaroon ng kopya ng libro ni Jake pero ang sabi sa amin ay isa lang daw ang ipapa-print ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending