PBA pinatawan ng P10,000 multa si Abueva
PINAGMULTA ng Philippine Basketball Association (PBA) si Phoenix forward Calvin Abueva ng P10,000 dahil sa ginawa nitong ‘dirty finger’ sa huling dalawang laro ng Fuel Masters kontra NLEX Road Warriors at San Miguel Beermen noong nakaraang linggo.
Nakaharap ni Abueva si PBA commissioner Willie Marcial sa PBA Office sa Libis, Quezon City Lunes matapos na ipatawag ito bunga ng insidenteng nangyari noong Biyernes kung saan nagkagirian sina Abueva at Beermen import Kevin Murphy sa ikaapat na yugto.
“May first offense (P4,000) at second offense (P6,000),” sabi ni Marcial.
Ayon kay Marcial, nakiusap din si Abueva sa liga para irebyu ang flagrant foul penalty 1 na itinawag kay Murphy dahil flagrant foul penalty 2 umano ito.
Ayon pa kay Marcial sinabi ni Abueva na sinakal siya at hinatak ni Murphy sa baseline.
Hindi naman ikinaila ni Abueva na nagpakita ito ng ‘dirty finger’ na napanood sa TV. Nangako naman si Abueva na hindi na niya ito uulitin.
Nakatakda naman magtungo si Murphy sa PBA Office ngayong Martes ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.