Sara Duterte tatakbo muling mayor; Baste posibleng running mate

October 15,2018
share this

Sara Duterte tatakbo muling mayor; Baste posibleng running mate

October 15,2018
share this

NAGHAIN si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ng certificate of candidacy (COC) kung saan tatakbo siyang muli bilang mayor ng Davao City.

Tinuldukan na ni Sara ang mga haka-haka na tatakbo siyang senador sa 2019.

Nagtungo si Sara sa Commission on Elections (Comelec) office ganap na alas-4 ng hapon kung saan siya sinamahan ng mister, ang abogadong si Manases Carpio, at mga tagasuporta.

Idinagdag ni Sara na inalok niya ang kanyang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte, para maging running mate, bagamat hinihintay pa ang desisyon nito.

Nauna nang naghain ang kapatid ni Sara na si dating Davao City vice mayor Paolo “Polong” Duterte ng kanyang COC kung saan tatakbo siyang kongresista sa Davao City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending