Naipong pera ni female celeb naubos dahil sa manggagamit na ex-dyowang male star

By Cristy Fermin October 16,2018
share this

Naipong pera ni female celeb naubos dahil sa manggagamit na ex-dyowang male star

By Cristy Fermin October 16,2018
share this

SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ng isang female personality sa kanyang mommy na umuunawa sa lahat ng mga desisyong ginagawa niya.
Nandiyan lang ang nanay niya para magpayo, para makinig kapag nasasaktan siya, para sabihan siyang tama na kapag talagang sukdulan na ang paghihirap ng kanyang anak sa ngalan ng pag-ibig.
May mga panahong sinuway ng magandang aktres ang kanyang ina, ipinagpilitan pa rin niya ang pakikipagrelasyon sa isang male personality, pero ‘yun pala ang pinakamatinding pagkakamaling nagawa niya.
“Imagine, malaki ang ipon ng girl, hindi naman kasi siya inoobligang magbigay ng kinikita niya sa family nila. maayos ang buhay nila, maykaya ang pamilya, kaya kung mag-aabot siya sa mommy niya, e, salamat, pero kapag hindi, e, ayos pa rin.
“Nu’ng maging magkarelasyon sila ng male personality, sa una pa lang, e, ayaw na ng family ng girl sa lalaki. Sobrang brusko kasi siya, feeling belong na agad, samantalang first meeting pa lang naman nila ‘yun!
“Sinabihan na siya ng mommy niya na hiwalayan ang guy, pero hindi siya nakinig, hanggang sa isang araw, ‘yun na!” biting chika ng aming impormante.
Palaging nagpapaalam ang magandang aktres sa kanyang mga magulang na magsi-shopping lang siya at ang mga friends niya. Pero saan ka, naghihintay na pala sa kanya sa mall ang male personality, sabik nang mag-shopping.
“Grabe ang binabayaran ng girl sa credit card niya, puro para sa lalaki ‘yun, wala siyang nabibiling para sa kanya. Turo lang nang turo ang lalaki, buy naman nang buy ang seksing babae.
“Heto na. One day, may-I-ask niya ang mommy niya kung puwede siyang manghiram ng datung. Nalokah ang mother niya, nu’n lang kasi nanghiram sa kanya ang anak niyang may malaking ipon!
“Wala na ngang ipon ang girl, naubos na sa mga luho ng bilmoko niyang boyfriend! Grabe palang user ang boyfriend niya, talagang ipinaglihi siya sa manggang hinog sa pagiging manggagamit!
“Hindi pala safe ang girl sa lalaki, talagang hindi safe pati ang kanyang bulsa, hayup palang magpabili ng mga stuff ang lalaki at damay pa pati ang pamilya niya sa panggagamit sa girl!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sa palagay n’yo, sep, este, safe ba kayo sa mga manggagamit d’yan?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending