Maine, Coco may magic din; aprub sa fans

By Jun Nardo October 16,2018
share this

Maine, Coco may magic din; aprub sa fans

By Jun Nardo October 16,2018
share this


IPINASILIP ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account last Sunday ang teaser ng film festival entry nilang “Jack Em Popoy: The PulisCredibles.”
Bukod sa maaksyong eksena eh, may rap scene pa siya kasama sina Coco Martin at Vic Sotto. May pakyut scenes din sila ni Coco with matching malagkit na titigan, huh! Komento nga ng ilang netizens, matindi rin pala ang kilig ng tambalan nina Maine at Coco.
Kitang-kita rin sa teaser na ginastusan ang action scenes pero siyempre bentang-benta rin ang comic scenes ng tatlo!
Nag-last shooting day na rin ang movie nu’ng Sunday. Sa isang tweet ni Meng, may pa-lechon baboy at baka pa sa set. Bumisita rin sa shooting ang kanyang fans club na kanyang pinasalamatan.
Isang GIF rin ang inilabas ng Phenomenal Star na kunwari ay ngumangalngal siya dahil tapos na ang shoot ng kanilang festival entry.
“It’s a wrap!!!!! Wahhh I am having mixed emotions!” caption ni Maine.
Dahil sa shooting, hindi nakadalo si Meng sa Star Awards for TV kung saan nanalo siya bilang Best Female TV Host. Si Alden Richards ang tumanggap ng award ni Maine na winner naman ng Best Male TV Host.
Ang pinaka-winner sa awards night ay ang personal assistant ni Alden na si Tenten o nakilala bilang Ken Doll sa Eat Bulaga na tinanghal na Best New Male TV Personality, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending