Tio wagi ng silver sa Youth Olympic Games 2018 | Bandera

Tio wagi ng silver sa Youth Olympic Games 2018

Melvin Sarangay - October 15, 2018 - 06:41 PM

CHRISTIAN Tio Photo courtesy of International Olympic Committee

HINDI nasayang ang dalawang buwan na pagsasanay ni Filipino-Norwegian Christian Tio matapos mapanalunan ang kiteboarding silver medal at isalba ang kampanya ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.

Ang 17-anyos na si Tio ay nagtapos sa ikalawang puwesto sa huling karera ng men’s kiteboarding nitong Linggo para umangat mula sa ikaapat na puwesto noong isang araw tungo sa pag-uwi ng pilak na medalya sa halos isang linggo na kumpetisyon na ginanap sa Club Nautico San Isidro.

Sa katunayan ay nakasalo ni Tio sa ikalawang puwesto si Toni Vodisek ng Slovenia habang si Deury Corniel ng Dominican Republic ang nakakuha ng gold medal matapos nitong pagwagian ang tatlo sa anim na karera bago ang huling karera noong Linggo.

Noong Biyernes pa sana natapos ang kumpetisyon subalit napilitan ang mga organizer na ikansela ang ilang mga karera dahil sa kawalan ng malakas na hangin.

“My mindset was just to go for it and enjoy,’’ sabi ni Tio. “Thank you for everyone who supported me, giving all the love.’’

Nagsanay si Tio ng dalawang buwan, na tig-apat na linggo sa Dominican Republic at Buenos Aires, para maihanda ang kanyang katawan at isipan sa tamang kondisyon.

“I didn’t suffer from jetlag. I was fully rested after arriving here early,’’ sabi pa ni Tio, na ang susunod na balak ay makauwi na sa Pillipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending