Jimenez nagbitiw bilang Comelec focal person dahil sa litrato ng aktres na naka-bikini
NAGBITIW si Commission on Elections Spokesperson James Jimenez bilang focal person ng Local Source Code Review Committee matapos namang makita ang litrato ng isang aktres na naka-bikini sa kanyang laptop sa isang pagtitipon na inorganisa ng Comelec noong Sabado.
Inihayag ni Jimenez ang pagbibitiw matapos aminon na aksidenteng naipakita ang litrato sa isang pagtitipon sa Dela Salle University.
Hindi naman pinangalanan ni Jimenez ang aktres.
Idinagdag ni Jimenez na aksidenteng naipakita ang wallpaper sa projector screen ng laptop operator habang isinasagawa ang presentasyon.
“This morning I have rendered my resignation as focal person of the local source code review committee,” dagdag ni Jimenez.
Sinabi ni Jimenez na nagbitiw siya matapos akuin ang responsibilidad sa insidente.
“It is my fault. I was responsible for that particular event,” dagdag ni Jimenez.
Niliwanag naman niya na mananatili pa rin siya bilang spokesperson ng Comelec.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.